NASYONALISMO AT LITERASI
NASYONALISMO AT LITERASI
(JAPAN AT PILIPINAS)
Bakit nga ba kailangan natin alamin kung ano ang mga polisiya, patakaran, nasyonalismo at literasi ng ibang bansa kumpara sa sitwasyon ng ating bansang Pilipinas? May mga kahalagahan kaya ang mga ito upang malaman natin kung paano tayo makisama? Kung ating susuriin may iba’t ibang patakaran ang bawat bansa sa daloy at paggamit ng wasto sa mga wika. Ilan lamang yan sa mga dapat natin masuri at matuklasan upang maging malawak ang pang-unawa at pananaw sa ibang kultura.

Ang bansang Japan ay mahigpit pag
dating sa kanilang pamamahala sa bansa, subalit matatawag mo ang bansang Japan
na isa sa may magandang pamamalakad pag dating sa nasyonalismo at literasi,
ang mga katangian ng Japan patungo sa pagiging ganap na mamamayan sa kanilang
bansa ay mas mahalaga ang ka dugo o tinatawag na ka mag-anak kaysa sa lokasyon
kung saan isinilang ang isang tao. Ang bansang Japan ay nakatuon sa pagiging
magulang ng isang tao para makamit at makasunod sa kanilang batas ukol sa
nasyonalismo at sila’y nagbibigay ng mga sitwasyon kung saan maaaring maging
ganap na hapon ang isang bata kapag ito’y pinanganak. Ayon sa aking pagsusuri
sa na basang artikulo may tatlong halimbawa upang maging ganap na hapon. Una,
kapag ang alinmang magulang ay isang mamamayan ng Japan sa oras ng kanilang
kapanganakan at kung ipinanganak man sa ibang bansa ang bata ay dapat na ka
rehistro sa loob ng tatlong buwan pagkatapos maisilang nito at kung hindi
sila nakapag pa-rehistro kailangan nila manirahan sa Japan bago tumuntong
sa edad na dalawang pu at kailangan ipaalam sa mga nakatataas o ministeryo ng
hustisya. Pangalawa, alinman sa magulang ay namatay bago ang kapanganakan at
isa itong mamamayan ng Japan (sa mga ama noong isang libo't siyam na daan at
walong pu't lima). Pangatlo, kung ang isang tao ay pinanganak at iniwan lamang
sa daan at ang mga magulang nito ay hindi nakilala.
Batay sa aking nakalap na impormasyon sa daloy ng kanilang paggamit sa wika, ayon kay Kohta Shibayama, direktor ng operasyon sa Japan ang wikang hapon ay may isang sistema at ang kaninyang opinyon ukol dito ay maraming mga antas ng pormalidad sa kanilang wika upang makabuo ng gramatika na gagamitin. Nakasalalay sa kanila ang kaugnayan sa taong nakakausap at nakakasalamuha, inaayos ng mga hapon ang kanilang wika upang maipakita ang wastong halaga ng paggalang sa kanilang kasosyo sa pakikipag-usap tulad ng mga nagsasalita ng Ingles. Pumili sila ng iba’t ibang mga porma ng pandiwa depende sa antas ng kangalang-galang na kinakailangan sa sitwasyon. Maaari rin maihatid ang maraming impormasyon ukol sa iyong sarili at gumawa ng isang mahusay na impresyon upang maunawaan ang isa't isa. Sa kaniyang pagpapaliwanag masasabi natin na mahalaga at maayos ang daloy ng kanilang wika at kung paano nila ito gagamitin lalo na kung sila’y nakikipag usap sa ibang lahi o may ibang pananaw sa kultura. Ang sitwasyon sakanilang bansa ay napakaayos bagamat nahihirapan ang ibang mamamayan nila sa paggamit ng wika gumagawa sila ng paraan upang maunawaan ang isa't isa at marunong makipagkapwa tao.

Sa aking pagsusuri ukol sa kasaysayan ng Japan sa larangan ng
literasi ay ayon sa artikulo ng pagbabasa at pagsusulat. Ang porsyento ng
kanilang literasi sa panahon ng Tokugawa Shogunate noong isang libo't walong
daan at walong pu't anim ay tinatayang nasa apat na pu porsyento kung saan
isang antas na maihahambing sa maraming mga bansa sa kanluran sa mga panahong
iyon kung wala ang pundasyon pang-edukasyon na ito. Ang mabilis na paggawa
upang makamit sa mga susunod na taon ay hindi posible, ayon dito ang pagsasara
ng digmaang pandaigdig ay nagbunga ng pagbabago sa sistema ng Japan sa tulong
ng mga puwersa sa pagsakop at dalawang batas ang nailathala ito ay Ang Batayang Batas sa
Edukasyon at ang Batas sa Edukasyon sa paaralan. Ang sistemang ito ay may
kasamang anim na taon sa elementarya, tatlong taon sa mataas na paaralan at
dalawa o apat na taon sa kolehiyo. Kailangan magpatala sa taon ng elementarya at junior high para sa lahat ng mga mag-aaral.
Ang sitwasyon naman sa Pilipinas kumpara sa bansang Japan sa panahon natin ngayon at kung paano ang daloy ng wika simula noong araw ng kalayaan ay dapat galangin ang watawat ng Pilipinas at pahalagahan ito sapagkat ang kasaysayan ay mahalaga dahil ito ang konektado sa kalayaan na mayroon tayo ngayon dahil isa rin ito sa dahilan kung bakit nabigyan ng pagkakakilanlan ng bawat isa bilang isang mamamayan ng Republika ng Pilipinas.
Sa ating panahon ngayon ipinagmamalaki ang mga tagumpay ng mga pilipino sa iba’t ibang larangan at natuto na ang mga tao na tumatangkilik at suportahan ang sariling produkto. Pinahahalagahan din ang tradisyon ng isang pilipino sa pagiging magalang kahit na moderno na ang ating panahon marami pa rin sa mga pilipino ang ipinakita ang kahalagahan ng kaugalian at tradisyon ating bansa.

Gamit ang sariling wika ipinapahayag at pinapareserba ang ating pambansang pagkakakilanlan sapagkat ito ang nagsisilbi at natatanging paraan ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa at ibang lahi bagamat ayaw ng mga taga-Bisaya at mga Cebuano ang wikang tagalog hindi na ito mapipigilan na gamitin dahil halos buong kapuluan ang gumagawa ng paraan upang maging maayos ang pakikipag-usap at mag kaintindihan kumpara sa mga hapon dahil may sariling diskarte ang dalawang bansa sa pakikitungo ng maayos sa mga mamamayan sa paraan ng pagsusuri at pag-aaral ng iba’t ibang salita o aralin ang sariling wika.
Ang bansang Pilipinas ay mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon makikita ito sa mayaman nating literatura at sa antas ng ating pagsulat na baybayin. Lumipas ang mga taon unti-unti muling tumaas ang antas ng literasi ng mga pilipino at mas maraming mamamayan ang natuto noong dumami ang mga guro at paaralan sa ating bansa kumpara sa mga hapon dahil nagbago rin ang sistema ng pag-aaral tulad ng pag-dagdag ng k-12 upang mas umangat pa ang antas ng edukasyon sa Pilipinas katulad na lamang sa ibang bansa.
Higit
sa lahat, Ang importansya ng pag-aaral at pagsusuri ng ibang nasyonalismo at
literasi ay upang malaman ang mga tradisyon at kultura upang mag kaintindihan
at mapalawak pa ang pang unawa sa mga mamamayan sa bawat dako ng mundo dahil
ito lamang ang paraan upang maging maayos ang pakikitungo ng isa’t isa dahil
mahalaga sa atin ang pakikisama kahit ano man ang kulay at lahi
dahil ito ang nagbibigay sa atin ng mapayapang mundo.
Mga sanggunian:
https://www.vengaglobal.com/blog/levels-of-formality-in-japanese-and-how-to-know-when-to-use-which/
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Japanese_nationality_law#:~:text=Japanese%20nationality%20is%20a%20legal,the%20Nationality%20Law%20of%201950
http://www.asianinfo.org/asianinfo/japan/education_literacy.htm
https://apnasyonalismo.blogspot.com/?m=1
https://breakthelight.wordpress.com/2013/10/22/ang-kalagayan-ng-antas-ng-pagkatuto-sa-pilipinas/
Litrato:
https://www.pinterest.ph/
Isinulat ni: Bb. Khaela Romero Casilla
Seksyon: 18

Comments
Post a Comment